๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐Š๐š๐ก๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ฉ๐š๐ ๐š๐ง, ๐›๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง๐ -๐๐ข๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐ญ๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฌ๐ž๐œ๐ฎ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐ง๐ž๐ฅ

February 27, 2022 | By: DepEd Tayo Imus City
                                SDO Imus City
e-Carscope 2020 at work

Layong mapalawak pa ang kaalaman, kasanayan, at tamang kilos at pag-uugali sa paggampan sa tungkulin, sumailalim sa 2-araw na training workshop ang nasa 55 piling Civil Security Unit (CSU) mula sa Division Office at sa 35 pampublikong paaralan sa lungsod, Peb. 23-24, 2022

Sa kanyang lektyur, sinabi ni Schools Division Superintendent Dr. Rosemarie D. Torres na "ang lahat ng kaparte ay importante."

"Ano ang dapat gawin? Ano ang mga ugaling dapat mayroon kayo? Bilang kasama namin sa SDO Imus City, kahit saan man kayo nakalagay, kayo ay aming kapuso, kapatid, kapamilya at kabarkada. Malaki ang papel na inyong ginagampanan," ani SDS Torres.

e-Carscope 2020 at work

Dagdag pa niya, ang paglilingkod nang tapat at karapat-dapat ay wala sa posisyon kundi nasa dedikasyon.

"Ang kasipagan ang susi sa tagumpay. Kahit ganito ang sweldo ko, magtatrabaho ako nang tapat at sapat... at magugulat na lamang kayo, dahil mas pagpapalain pa kayo ng Panginoon."

#BidangImuseรฑos #HindiObligasyonKundiDedikasyon

e-Carscope 2020 at work