TINGNAN | Budget Prep Workshop para sa FY 2023, isinagawa

February 23, 2022 | By: DepEd Tayo Imus City
e-Carscope 2020 at work

Layong magabayan at mapagkalooban ng angkop na technical assistance ang mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Imus kaugnay sa paghahanda ng badyet para sa Fiscal Year o Taong Pananalapi 2023, isang seminar-workshop ang isinagawa ng DepEd Imus City sa Tanza Oasis Hotel and Resort, Tanza, Cavite, na dinaluhan ng mga punongguro at kanilang mga Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) Coordinator at Administrative Officer II, Pebrero 22-23,2022.

Sa pangunguna ng Team ABCS o Accounting, Budget, Cash at Supply katuwang ang Planning Office ng School Governance and Operations Division, isa-isang tinalakay ang mga sumusunod:

1. Parameters o Basehang Datos sa Pag-Compute ng Budget Proposal para sa MOOE;

2. Four Phases ng Budget Cycle;

3. Mga Halimbawa ng Approved Personnel Services;

4. Boncodin Formula vs Baseline MOOE;

5. Budget Proposal;

6. Realignment of Funds; at

7. Financial Accountability.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Schools Division Superintendent Dr. Rosemarie D. Torres na isang malaking sukatan ng kahusayan ng pinuno ng mga paaralan ang matiyak ang 100% utilization at disbursement "ng perang hindi atin bagkus ay sa pamahalaan."

Aniya pa, mahalagang maplano nang maaga at maayos kung ano-anong mga pangangailangan ng paaralan ang legal na maaaring tugunan at paglaanan ng MOOE lalo na ngayong edukasyon sa panahon ng pandemya.

Ang mga lumahok sa naturang workshop ay pawang mga bakunado.

#BidangImuseños #HindiObligasyonKundiDedikasyon #QuentoPorQuenta