πππππππ | Nakamit na ng Schools Division Office of Imus City ang "100% implementation of limited face-to-face classes"
SDO Imus City
Nakamit na ng Schools Division Office of Imus City ang "100% implementation of limited face-to-face classes" matapos opisyal na magbukas kahapon, Marso 28, ang ilan pang mga paaralan para makumpleto ang kabuuang 35 pampublikong paaralan sa lungsod.
Sa isang panayam, sinabi ni Schools Division Superintendent Dr. Rosemarie D. Torres na ito ay bunga ng hindi matatawarang paghahanda, pagdadamayan at pagsusumikap ng mga namumuno sa mga paaralan, city government officials, mga guro, kawani, magulang, at iba pang stakeholders.
"Hindi po ito magiging posible kung hindi tayo tunay na naniwala at gumawa. Na ang lahat ng bagay ay kayang-kaya basta sama-sama at nagkakaisa para sa mga mahal nating mag-aaral," ani SDS Torres.
Dagdag pa niya, makaaasa ang buong komunidad ng Imus sa mas pinaigting na paghahatid ng de kalidad na edukasyon at serbisyong hatid ng mga paaralan sa bisa ng iba't ibang learning modalities.
Nilinaw din ng pansangay na tagapamanihala ng mga paaralan na nagpapatuloy ang distance learning gaya ng modular at online para sa ibang mga mag-aaral na hindi pa kabilang sa limited face-to-face classes.
#BidangImuseΓ±os #HindiObligasyonKundiDedikasyon
